P20M shabu nasakote

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga otoridad ang halos P20 milyong halaga ng shabu at kemikal sa isinagawang anti-drug bust operation isang drug den sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.

Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Romaldo Bayting, nilusob ng mga operatiba ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency ang drug den sa Nasifa Sangcopan, Brgy Ong Yiu ng lungsod dakong alas-7:30 ng gabi, subalit nakatakas ang umano’y drug lord na nakilala lang sa pangalang Michael at Jepoy.

Sa kabila nito, sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay nasamsam ang mga bultu-bulto ng droga at mga drug paraphernalia.

Aniya, nakumpiska nila ang 2.2 kilo ng shabu at mga kemikal na umaabot ng P20 milyon, bukod pa ang P79,170.00 cash na umano’y napagbentahan ng mga droga at isang cal. 45 pistol.

 Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang mga nasabing suspek.

Show comments