8-anyos ni-rape ng 4 kalaro

Nene nagahasa ng kanyang mga kalaro sa Caloocan City

MANILA, Philippines - Halinhinang ginahasa ang isang walong taong gulang na nene ng kanyang mga kalaro sa Caloocan City,  kamakailan. 

Ang apat na paslit na may edad pito, walo, sampu at 12-anyos ay nasa kustodiya ngayon ng Caloocan City Social Welfare and Development Office ( CSWDO ) habang iniimbestigahan ang kaso.

Sa report ng pulisya,  sinabi ng biktima  na inabuso siya ng kanyang mga kalaro noong Enero 15 sa pinaglalaruan nilang bahay sa Milagrosa st., Brgy. 152 Bagong Barrio, ng naturang lungsod. 

Pinagtulungan umano siya ng kanyang mga kalaro na hawakan at maipasok ang ari sa kanyang kaselanan.  Hindi naman umano pinapansin ng may-ari ng bahay ang mga bata na inakala lamang niyang nagla­laro.

Mula ng mangyari ang insidente ay na­ging matamlay na ang  biktima at ayaw nang pumasok sa paaralan. Nang kausapin ng ama nitong Huwebes, saka lamang naipagtapat ng biktima ang masaklap na sinapit sa mga kalaro.

Agad na nagpasaklolo ang mga magulang ng biktima sa Caloocan Sub-Station 2 na naging daan sa pagdakip sa mga itinuturong mga suspek.

Show comments