Korean mining executive dinukot sa Lanao del Sur

MANILA, Philippines - Isang South Korean mining executive ang dinukot ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy.Mipaga Saguiran, Lanao del Sur.

Ang dinukot ay kinilalang si Song Ki Eon, isang kilalang mining executive na dumarayo lamang sa lugar.

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng tanghali nang maganap ang pagdukot sa biktima sa highway ng nasabing lugar.

Nabatid na sakay ang biktima ng kulay itim na Toyota Avanza (AAF-7615)  na nakarehistro kay Kim Hyangkoung ng Koresco Condo 702, Pueblo Deo, Cagayan de Oro City.

Nabatid sinundo ng biktima ang isang PO2 Roel Villardo sa Manticao Police Station at nagpasama sa Iligan City para makipagkita sa ilan nitong mga kakilala nang mangyari ang pagdukot ng 6 kalalakihan na kung saan ay pinosas si Villado sa Avanza at isinakay naman ang biktima sa Tamaraw FX at saka mabilis tumakas tangay ang Koreano.

Show comments