^

Police Metro

Barangay chairman binistay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay  ang isang barangay chairman matapos itong  pagbabarilin ng dalawang kalalakihang nakamotor kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Mula sa Taguig-Pateros District Hospital ay agad na inilipat sa Saint Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City  ang biktimang si Aurelio Paulino, 68, ng Barangay Lower Bicutan ng naturang lungsod, subalit
binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa  ilang tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na report na natanggap ng pulisya,  ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Manuel  L. Quezon Avenue, Purok 3, Barangay
Lower Bicutan ng naturang lungsod habang papauwi ang biktima mula sa duty bilang chairman ng barangay. Bigla na lang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka at agad na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay dali-da­ling pinaharurot ng mga suspek ang kanilang
motorsiklo at mabilis na nagsitakas.

Inaalam ng pulisya  kung may cctv camera sa naturang lugar at kung nakuhanan ang naganap na pamamaril. Nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang mga otoridad laban sa mga suspek. (Lordeth Bonilla)

 

AURELIO PAULINO

BARANGAY LOWER BICUTAN

BONIFACIO GLOBAL CITY

LORDETH BONILLA

LOWER BICUTAN

MEDICAL CENTER

QUEZON AVENUE

SAINT LUKE

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with