Bangkay sa basurahan

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang isang bangkay ng lalaki na nakasilid sa isang itim na garbage bag na natagpuan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Inilarawan ang bangkay na nasa pagitan ng edad 20-25; nakasuot ng kulay puting t-shirt, at jersey, may kapayatan, at maputi ang kulay ng balat.

Ang biktima ay nadiskubre dakong alas-12:00 ng madaling araw ng mga barangay tanod sa SB Road kanto ng Samonte Road, Brgy. Nagkakaisang Nayon.

Sa ulat nakita ng mga napapatrulyang barangay tanod ang garbage bag na hugis tao kaya’t binuksan ito at bumulaga ang bangkay.

Show comments