MANILA, Philippines – Bago pasimulan ni Pope Francis ang kanyang “Encounter with the Youth” sa University of Sto. Tomas (UST) ay inalala nito ang nangyari sa isang church volunteer na si Kristel Mae Padasas, 27, na namatay sa Tacloban matapos ang misa ng Santo Papa noong Sabado.
“I would like all of you, young people like her, to offer a moment in silence with me... then we pray to our Mama Lady in heaven,” pahayag ni Pope Francis.
“Let us pray for her parents. She was an only daughter. Her mother is coming from Hong Kong. His father is coming from Manila,” anang Santo Papa.
Magugunita pagkatapos ng misa ay nabagsakan ang biktima ng speaker sa ulo nang bumigay ang scaffolding dahil sa lakas ng hangin at ulan dulot ng bagyong Amang.