14-anyos nadulas sa trak, utas

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 14-anyos na binatilyo na tinaguriang ‘gagamboy’ matapos mabagok ang ulo nito nang madulas sa pagsampa sa isang trailer truck kamakalawa sa Binondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Joel Puno, 14, ng 287 Area B, Parola Compound Binondo, Maynila.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck (PYX-262) na si Arniel Rayos, 33, ng 1268 Dr. A. Santos Ave., Parañaque City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay minamaneho ni Ra­yos ang truck patungong Parola Compound at pagsapit sa Gate 52 ay tinangkang sumampa sa truck ang biktima, subalit naka­bitaw ito at tumama ang ulo sa kaliwang bahagi ng tractor head malapit sa gulong na ikinasawi nito.

Show comments