^

Police Metro

Tumulad sa pagiging disiplinado ng South Korea... ‘wag maging pasaway sa pagdating ng Santo Papa

Malou Escudero at Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dapat magpakita ng disiplina at pagi­ging vigilante ang mga Pinoy sa pagdating ni Pope Francis sa bansa.

Ito ang apela sa mga mamamayan si Senator Aquilino Pimentel III at magiging matagumpay ang pagbisita ng Santo Papa kung makikiisa ang lahat at magpapakita ng ibayong disiplina upang mas ma­ging sagrado ang misa at mga public engagements ng pinakamataas na lider ng Simbahang Katoliko sa bansa.

Inaasahan na aniya ang pagdagsa ng milyun-milyong deboto sa mga misang pangungunahan ni Pope Francis kaya napakahalaga ng pakikiisa at pagpapakita ng disiplina ng lahat.

Naniniwala si Pimentel na hindi kakayanin ng gobyerno ang lahat at kung hindi makikipagtulungan ang mga mamamayan upang maiwasan ang hindi magandang pangyayari katulad ng pagkakaroon ng stampedes o pagkakagulo.

Maging ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ay nanawagan din na panatilihin ang kaayusan sa pagbisita ng Santo Papa tulad ng mga mamamayan sa South Korea na hindi concrete barrier ang ginawa sa pagharang kundi powdered chalk lang ang pinangguhit sa main ave­nue ng Seoul at walang nagtangkang lumagpas doon.

Naniniwala ang CBCP  na kung disiplina  lamang ang paiiralin ng  mga Pinoy hindi na kailangan ang paulit-ulit na panawagan ng  pamahalaan na kung saan ay inaasahang  aabot sa 5 milyon ang  dadalo sa misa.

Pinaalalahanan din ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang  mga Pinoy na  isentro ang  Panginoong Hesus sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa.

“Bilin po ng Santo Papa na si Hesus ang ma­ging sentro,” ani Cardinal Tagle.

CARDINAL TAGLE

CATHOLIC BISHOP

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

PINOY

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with