2 itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawang lalaki  nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Rod­riguez Rizal, kahapon ng umaga.

Ang mga biktima ay kinilalang sina  Ricardo Fernandez, 30 at amain nito na si Enrique Pabas, 48 pawang residente ng barangay San Jose sa nasabing bayan.

Sa ulat dakong alas-8:10 ng umaga sa isang vulacanizing  shop sa Sugbuan Road, Barangay San Jose ay nagpapa-vulcanize ng gulong ng kanilang kotse ang mga biktima nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Agad na nilapitan ang dalawang biktima at  walang kaabog-abog na pinagbabaril at pagbagsak ay agad na kinuha  ng dalawang suspek ang backpack  ng mga biktima at tumakas.

 

Show comments