^

Police Metro

2 sugatan dahil sa Air Strike… Pinoy sa Libya pinalilikas!

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agarang paglilikas ang ipatutupad ng gobyerno para sa  lahat ng Pinoy sa Libya kasunod ng madugong air strike sa isang oil tanker na may lulan na mga tripulanteng Pinoy na nasugatan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nananatili ang crisis alert level 4 o mandatory evacuation sa Libya at ipinatutupad ang total deployment ban sa mga overseas Fi­lipino wor­kers (OFWs) sa nasabing bansa.

Kinilala ng DFA ang dalawang Pinoy na sina 2nd Engineer Ricardo Makiramdam at si Leonel Juerto. Si Makiramdam ay tinamaan ng shrapnel sa tiyan, habang si Juerto naman ay inoperahan sa paa. 

Inatasan na rin ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli na tulungan ang mga Pinoy na nabiktima sa air strike habang ipinaalam ng gobyerno sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas ang kanilang sinapit.

Sa inisyal na ulat, isang Greek at Romanian nationals ang minalas na nasawi sa air strike na isinagawa ng Operation Dignity Forces.

Noong Mayo 19-20, 2014, inindorso ng Lib­yan Military Comman­ders ang Operation Dignity movement laban sa Islamist militant groups kung saan kinontra ito ng ilang mga militias sa Libya.

“We appeals to all Filipino nationals there to take extra precaution and to avail  of the Philippine government  repatriation program”.  Ani pa ng DFA.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENGINEER RICARDO MAKIRAMDAM

LEONEL JUERTO

MILITARY COMMAN

NOONG MAYO

OPERATION DIGNITY

OPERATION DIGNITY FORCES

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with