2 wanted tiklo

MANILA, Philippines – Arestado ang isang babae at lalaki na kapwa pinaghahanap ng batas nang ihain ang warrant of arrest laban sa kanila sa kinakaharap na mga kaso, kamakalawa sa Caloocan City.

Ayon sa pulisya dakong alas-8:30 Lunes ng umaga nang dakpin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ang suspek na si Demetrio Ordillos, Jr., sa kanyang bahay sa No. 30 Maligaya Street, Brgy. 147 Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Dakong alas-11 ng umaga naman nang dakpin si Ana Rose Cabiles, sa kanyang tirahan sa Samaka Compound, Brgy. 165 Bagbaguin, ng naturang lungsod.

Inihain kay Cabiles ang arrest warrant mula sa Caloocan Regional Trial Court Branch 136 sa kasong paglabag sa RA 7610 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kapwa iprinisinta na sa korte ang dalawang inaresto at nakatakdang dalhin sa Caloocan Bureau of Jail Management and Penology.

Show comments