4 tinedyer nalunod sa beach

MANILA, Philippines – Nabahiran ng trahedya ang masaya sanang outing ng isang pamilya matapos na malunod ang apat na tinedyer sa beach na kanilang pinuntahan kamakalawa sa Cauyan, Negros Occidental.

Ang mga nasawi ay ang magkapatid na sina Stephanie, 15 at April Rose Guimong, 13 at pinsan nilang sina Jeselle Diaz at Reynaldo Silvera; pawang mga menor de edad.

Sa ulat ni Negros Occidental Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Milko Lirazan, bago nangyari ang trahedya dakong alas-11:00 ng umaga ay nag-outing ang pamilya sa Aurino Beach sa bayan ng  Cauyan bilang bahagi ng pinalawig na selebrasyon sa pagpasok ng buwan ng Enero ng taong ito.

Sa pahayag ng pamilya masayang naglalanguyan sa dagat ang mga magpipinsang tinedyer nang ta­ngayin ang mga ito ng malakas na alon.

Unang narekober ang  bangkay ni Diaz pagkalipas ng dalawang oras habang patuloy na hinahanap ang tatlong iba pa.

 

Show comments