Indian trader dinukot habang naniningil ng ‘5-6’

MANILA, Philippines – Dinukot ng hindi pa kilalang mga kalalakihan ang isang Indian national habang ito ay naniningil ng kanyang pautang na ‘5-6’ kamakalawa sa Brgy.Munting Ilog, Silang, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Tarsen Singh, alyas Robert, ng Kingsland Village, Brgy. Sampaloc, Dasmariñas, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-8:12 ng umaga ay naniningil ang biktima ng pautang nitong 5-6 sa ilang residente sa lugar nang lapitan ng 4 na lalaki at puwersahang dinukot.

Sa salaysay ng isang may utang sa biktima na si Honorio Mendoza, dating police na matapos niyang bayaran ang biktima at pasakay na ito sa motorsiklo na may plakang 6274 UZ nang tumapat na Toyota Innova na may plakang PUI-664 sa biktima.

Bumaba ang 4 na lalaki at sapilitang isinakay ang biktima sa sasakyan at tinangay.

Isinumbong ng mga residente sa pulisya ang pangyayari na agad nagsagawa ng follow-up operation.

Show comments