Army detachment inatake ng BIFF: 1 sundalo patay
MANILA, Philippines – Napatay ang isang sundalo habang tatlo pa ang nasugatan matapos atakihin at paulanan ng bala ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang dalawang Army detachment sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat kahapon.
Tumanggi muna si Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division (ID) na tukuyin ang pangalan ng nasawing sundalo dahilan kailangan pang impormahan ang pamilya nito.
Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang magkakasunod na paulanan ng bala ng hindi pa madeterminang bilang ng BIFF rebels ang Kulasi detachment sa Brgy. Kulasi at Sumilao detachment sa Brgy. Katiku; pawang ng Army’s 33rd Infantry Battalion (IB) sa nasabing bayan.
Tumagal ng isang oras ang bakbakan hanggang sa masawi ang isang sundalo at nasugatan ang tatlong kasama.
Tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang BIFF na umano’y tinaguriang ‘spoilers’ o nananabotahe sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng tiniwalagan ng mga itong grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
- Latest