^

Police Metro

16 Pinoy crew missing, 2 patay sa lumubog na cargo ship sa Vietnam

Grace dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang Bahaman ship Bulk Jupiter na may 19 Pinoy crew member ang kasama sa  lumubog na barko sa East Vietnam Sea.

Iniulat ng news site na Tuoitrenews.com ang paglubog ng cargo ship na pawang ang crew ay  19 Pinoy.

Nasagip naman ng Japanese Coast Guard ang isang tripulanteng Pinoy na hindi pa pinapa­ngalanan habang dala­wang bangkay na rin na umano ay Pinoy ang narekober matapos na makatanggap ng emergency signals dakong alas-11:30 ng umaga noong Enero 2 (Biyernes) ang nasabing coast guard.

Natagpuan naman ng  barkong Zim Asia ang isang lifeboat at life raft na walang sakay, malapit sa lugar na kinalubugan ng Bulk Jupiter.

Patuloy ang pagha­hanap ng 16 pang Pinoy crew members ng lumubog na barko na may kargang 46,400 tons ng Bauxite mula sa Malaysia patungong China.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Charles Jose na patuloy na kumokontak sa Philippine Embassy sa Hanoi na nakikipag-coordinate naman sa mga Vietnam authorities upang makakuha pa ng mga impormasyon sa paglubog ng Bulk Jupiter.

Hinihinala ng mga otoridad na ang ikinargang basang Bauxite ang dahilan ng paglubog ng barko.

Patuloy naman ang isinasagawang rescue operation ng Singaporean Authorities. Ang Bulk Jupiter ay pag-aari ng Bergen-based Gearbulk.

ANG BULK JUPITER

BULK JUPITER

CHARLES JOSE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EAST VIETNAM SEA

ISANG BAHAMAN

JAPANESE COAST GUARD

PATULOY

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with