Fare hike sa LRT at MRT walang balakid
MANILA, Philippines - Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na walang nakikitang balakid ang gobyerno sa ipapatupad na fare hike sa MRT at LRT simula sa Enero 4 dahil sa kasalukuyan ay walang ipinalabas na anumang kautusan ang hukuman upang pigilan ang nakatakdang pagtataas sa pasahe.
Naunang inanunsiyo ni DOTC Sec. Jun Abaya na magiging P30 na ang pasahe sa LRT 1 mula Monumento-Baclaran na dati ay P15 habang ang pasahe sa LRT 2 naman ay magiging P25 mula sa dating P15 na mula Recto hanggang Santolan at magiging P28 na ang pasahe sa MRT 3 mula North Ave. hanggang Taft Ave.
Iminungkahi naman ni Valenzuela City Rep.Sherwin Gatchalian sa gobyerno na suspendihin muna ang fare hike dahil dapat na ipakita muna ng gobyerno sa publiko ang magandang serbisyo bago magtaas ng pasahe.
Hindi umano makatwiran na papasan ng dagdag gastos ang publiko sa serbisyong madalas namang nadidiskaril dahil sa mga nasirang pasilidad. - Rudy Andal, Gemma Garcia-
- Latest