Presyo ng LPG nirolbak

MANILA, Philippines - Nagpatupad kahapon ang ilang kumpanya ng langis ng rolbak sa presyo ng LPG. 

Kahapon ay pinangunahan ng Petron ang pagpapatupad ng rolbak.

Ang rolbak sa presyo ng Gasul at Fiesta Gas ay nasa P5.50 kada kilogram, samantalang sa Auto LPG ay nasa P3.44 kada litro.

Inaasahang magpapatupad   na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis, na may kahalintulad na halaga.

Ang pagpapatupad ng rolbak ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan sa world market.- Lordeth Bonilla-

 

Show comments