Shabu inakalang tawas pinahid sa kilikili... Dalagita ginulpi ng kuya

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na tindero ang inaresto ng pulisya matapos na ireklamo nang panggugulpi sa kanyang dalagitang kapatid matapos ipahid sa kilikili nito ang shabu na inakala nitong tawas naganap kamakalawa sa Brgy. Limbauan,  San Pablo, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Albert Alingod ng Sitio Caddangan sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, napagkamalan ng dalagitang biktima na tawas ang shabu na nakalagay sa maliit na lata ng whitening cream.

Nakita ng suspek na ipapahid ng biktima sa kanyang kilikili ang nakalagay sa plastic sachet na shabu kaya’t agad naagapan at sa galit ay ginulpi ang kapatid.

Kaya’t tumawag ng mga otoridad ang mga residente sa lugar at inaresto ang suspek.

 

Show comments