^

Police Metro

Biktima ng bagyong Ruby, nasa tahanan ngayong Pasko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Masaya at ligtas na Pasko ang mararanasan sa araw na ito ng mga residente ng Borongan City sa Eastern Samar dahil mula sa mga evacuation center ay nakauwi na sila  sa kanilang mga tahanan para ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus.

Kinumpirma ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas na nakaaalis nang lahat ang mga pansamantalang tumuloy sa evacuation centers sa Borongan upang magdiwang ng Kapaskuhan sa kanilang mga tahanan.

Naibalik na rin ang kuryente sa malaking bahagi ng Borongan at tuluyang magkakaroon ng enerhiya sa buong lungsod anumang araw.

Bago dumating ang bagyo, personal na nagsadya si Roxas sa Borongan at nakipag-ugnayan sa local government units (LGUs) at mga ahensiyang tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Department of Energy (DOE) upang kaagad na tumulong sa mga taong naapektuhan ng bagyo.

Tiniyak din ni Roxas sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP) regional office ang pagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan kaya walang ulat ng nakawan, hoarding at hindi patas na kalakalan sa rehiyon.

Nagpasalamat naman si Borongan City Mayor Fe Abunda sa National Government Frontline Team na pinangungnahan ni Roxas sa pag-ayuda sa LGUs sa paghahanda laban sa bagyong Ruby.

BORONGAN

BORONGAN CITY

BORONGAN CITY MAYOR FE ABUNDA

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EASTERN SAMAR

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MAR ROXAS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NATIONAL GOVERNMENT FRONTLINE TEAM

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with