2 kidnaper ng bata at yaya hinatulan ng habambuhay

MANILA, Philippines – Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng Manila Regional Trial Court -Branch 5 laban sa  dalawang   suspek  na  kumidnap kay Eunice  Kaye Chuang, 5 at sa yaya nitong si Jovita Montecino sa Binondo noong Oktubre 17, 2000.

Sa desisyon ni  Manila RTC Judge Mona Lisa Tabora napatunayang  nagkasala  ng  kidnapping with double homicide sina  Monico Santos at pinsan nitong si Francis Canoza.

Si Eunice at Montecino, ay natagpuang patay sa kisame ng bahay ni  Santos sa Malolos Bulacan na sumundo sa mga biktima mula sa paaralan ng bata sa  Philippine San Bin School sa Maynila.

Namatay ang dalawa dahil na rin sa suffocation  kung saan iniwan ang mga ito na nakatali ang  kamay at paa.

Hindi naman napigilan ni  Emily, ina ni Eunice na mapaluha matapos na ibaba ang hatol dahil alam aniya niyang  masaya ang anak sa naging desisyon ng  korte.

Show comments