2 lalaki nagbigti

MANILA, Philippines – Dahil sa malungkot ang darating na Kapaskuhan sa kanilang mga buhay ay nagpasya ang dalawang lalaki sa Quezon City at Cavite na magbigti.

Natagpuang nakabigti dakong ala-1:15 ng hapon sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Quezon City ang biktimang si Leonilo Godoy 32, may-asawa.

Nadala pa sa ospital si Godoy, subalit idineklara itong dead on arrival.

Ganito rin ang nangyari sa 37-anyos na tricycle driver na si Armando Samalia nang magbigti kahapon ng alas-8:00 ng umaga sa Sitio Katangan, Brgy.Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Nag-iwan ng suicide note ang biktima tungkol sa problemang kinakaharap nito.

Show comments