^

Police Metro

P5 bilyon ang iniwang pinsala ng bagyong Ruby

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Iniulat ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot na sa P5 bilyon ang iniwang pinsala ng bagyong Ruby sa mga hinagupit nitong lugar sa bansa.

Ibinase ni  NDRRMC Executive Director Alexander Pama sa patuloy na assessment sa mga iniwang pinsala ni Ruby sa Central at Southern Luzon, Western, Central at Eastern Visayas, Caraga at Metro Manila.

Nasa P5,090,265,426 bilyon kabilang ang P1,435,804,523 ang pinsala sa imprastraktura at P3,654,460, 903 sa agrikultura.

Nasa 944,249 pamil­ya naman o katumbas na 4,149,484 katao ang sinalanta at sa naapektuhan ng bagyo at sa nasabing bilang nasa 18,938 pamilya o 100,264 katao ang sinisilbihan sa loob at labas ng 327 evacuation centers.

Nanatili naman sa 18 katao ang inirekord ng NDRRMC na nasawi sa Ruby na mas mababa sa bilang na 27 na naitala ng National Red Cross habang nasa 916 naman ang mga nasugatan.

Magugunita na naminsala ang bagyong Ruby noong unang linggo ng Disyembre.

CARAGA

DISYEMBRE

EASTERN VISAYAS

EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

IBINASE

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NATIONAL RED CROSS

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with