CGMA inilabas ng Veterans

MANILA, Philippines - Inilabas pansamantala sa Veterans Memorial Medical Center si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo upang magpagamot sa Makati Medical Center sa Makati.

Ang pagpapagamot ng dating pangulo ay ginawa matapos na aprubahan ng Sandiganbayan 1st Division ang hiling nito na matignan ang umano’y pagkakaroon niya ng breast cancer dahil nagkaroon na anya ng parehong sakit ang kanyang ina.
Dakong alas-12:12 ng tanghali nang lumabas ng VMMC ang dating pa­ngulo na nakasuot ng neckbrace.

Isasalang ang dating pangulo sa mamogram dakong alas-2:00 ng hapon, bago muli itong ibabalik sa nasabing ospital.

 

Show comments