MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) laban sa sinumang gagamit ng illegal na paputok at masasangkot sa indiscriminate firing dahil sa ipapairal ang full force of the law.
Ipinag-utos ni PNP Officer in Charge Deputy Director Leonardo Espina ang mahigpit na pagpapatupad sa Republic Act 7183, ang batas na nagreregulisa sa pagmamanupaktura, pagbebenta, distribusyon at paggamit ng mga bawal na paputok at pyrotechnics devices.
Nagbabala ang PNP na lubhang peligroso ang mga paputok na naglalaman ng mga pulburang higit sa. 2 gramo o mahigit sa 1/3 kutsara dahil maaari itong makamatay at matinding makapinsala.