Tserman, 4 pa dedo sa pamamaril

MANILA, Philippines - Nasawi ang limang katao  kabilang ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyan kamakalawa sa  highway ng Brgy. Dinaig Proper, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Datu Michael Daligdig, Brgy. Chairman ng Dinaig Proper sa bayang ito, Ted Abdulla, checker ng isang quarry site, Brgy.Kagawad Jonathan Benito; misis nitong Rosemarie Benito, guro sa isang Daycare Center at ang 12-anyos na batang lalaki na si Michael Benito.

Sa ulat bandang alas-5:00 ng hapon ay kasalukuyang lulan ng isang pribadong behikulo ang mga biktima nang sila ay tambangan  pagsapit sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

Show comments