^

Police Metro

P 1-M multa at 15 taon kulong sa sakim na trader

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - May nakaambang parusa na pagkakulong ng limang taon hanggang labinlimang taon at multa na hindi bababa sa P 1 milyong piso sa sinumang negosyante na lumalabag sa pinaiiral na ‘prize freeze’ sa mga idineklarang state of calamity dulot ng bagyong Ruby.

Ito ang naging babala ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Victorio Dimagiba, na sa loob ng 60-araw ay hindi maaaring magkaroon ng paggalaw sa presyo ng mga  pa­ngunahing bilihin sa  mga lugar na deklaradong state of calamity.

Saklaw ng price freeze  ay mga ang delata, gatas, kape, sabong panlaba, kandila, tinapay, bigas, asin, asukal at iba pang pangunahing pa­ngangailangan.

Kabilang sa isinailalim sa  state of calamity ay ang lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Masbate, Catanduanes, Pilar, Capiz, Leyte at Samar.

Una nang tiniyak ng DTI, na sapat ang supply ng pangunahing bilihin sa Metro Manila gayundin sa mga lugar na apektado ng bagyo kaya’t walang dahilan upang magtaas ng presyo ng mga panguna­hing bilihin at magkaroon ng panic buying.

Samantala, sinabi naman ni Agriculture Secretary Prospero Alcala na huwag tangkilikin at huwag bilhin ang mga produktong karne, gulay at isda sa mga pamilihan na nagtaas ng presyo bagkus ay isumbong ito Department of Agriculture (DA).

Ito ang sinabi ni Alcala matapos na makatanggap ng sumbong na ang nagtitinda umano sa Balintawak market at ilan pang pamilihan sa Quezon City ay nagtaas ng  presyo ng kanilang panindang gulay mula P5.00 hanggang P10.00 at P20.00 sa presyo ng isda dahil daw sa bagyong Ruby.

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY PROSPERO ALCALA

CAMARINES SUR

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with