Sanggol inabandona sa kasagsagan ng ulan

MANILA, Philippines – Patuloy na inoobser­bahan ng mga doktor ang isang 6 buwang sanggol na babae nang matagpuan ito sa likuran ng Villa Mila Hotel sa Purok 3, Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga habang nasa kasagsagan ng pananalasa  ng ulan dulot ng bagyong Ruby ay nakita ng isang residente ang sanggol na inakala nitong manyika.

Subalit, laking gulat nito ng biglang umiyak at gumalaw kaya’t agad niya itong kinuha at dinala sa ospital.

Nagsasagawa ng im­bestigasyon ang mga otoridad upang makilala ang ina nito na nag-abandona sa sanggol.

Show comments