Kelot napagtripang patayin ng 7 katao

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na lalaki ang nasawi nang ito ay pagtulungang gulpihin at saksakin ng pitong lalaki habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si  Richard Palmario, 33, ng Brgy. Talipapa. Nagtamo ito ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dalawang saksak.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay nakita ng dalawang testigo ang biktima na hinahabol ng pitong lalaki na may bitbit na bato at boteng walang laman at naabutan ito sa may Arty 2 St., malapit sa kanto ng Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa.

Nang maabutan ang biktima ay pinagtulungan ito ng pitong lalaki na pagbubugbugin hanggang sa tulu­yang iwanang nakahandusay at wala ng buhay sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen upang makilala ang mga suspek.

Show comments