^

Police Metro

Agot Isidro natangayan ng P3-M

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit sa P3 milyong ha­laga ng salapi at alahas ang natangay sa singer-actress na si Agot Isidro matapos mabiktima ang kanyang kasambahay ng “Dugo-Dugo” gang sa  Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, sa pagitan ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi nangyari ang insidente sa bahay ng singer-actress na si Isidro o Margarita Sandejas sa Blueridge Subdivision.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang kasambahay ni Isidro na si Manilyn Umapas mula sa suspek na babae at nagsabing ang singer ay nasangkot sa vehicular accident.

Ayon sa kasambahay na nabangga ng kanyang amo ang isang mayamang Intsik na ang pangalan ay isang Ana Chua na kailangang bayaran ng kanyang amo.

Inutusan ng caller ang kasambahay na buksan ang vault sa kuwarto ng actress na nasa 2nd floor at kunin lahat ng mga laman nito na siya namang sinunod ng huli.

Nilagay ng kasambahay ang pera at alahas sa isang bag, saka nagtungo sa isang sangay ng Wilcon Depot sa Balintawak kung saan siya kinatagpo ng isang babae na nagpakilala namang secretary ng kausap niya sa telepono at doon ibinigay ang nasabing gamit.

Pagdating niya ng bahay ay saka niya nalamang naloko siya nang malaman ang among si Isidro ay kasalukuyang nasa trabaho pa at walang anumang masamang nangyari.

 

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ANA CHUA

AYON

BLUERIDGE SUBDIVISION

ISIDRO

MANILYN UMAPAS

MARGARITA SANDEJAS

QUEZON CITY

WILCON DEPOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with