2 rider tigok sa salpukan
MANILA, Philippines – Kapwa namatay ang dalawang rider nang magsalpukan ang kanilang minamanehong mga motorsiklo habang sugatan naman ang kanilang mga angkas na dalagita na naganap kamakalawa sa Malabon City.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonathan Velerosa, 19, ng # 83 San Diego St., Brgy., Arkong Bato, Valenzuela City at Noel Oliver Dizon, 25, call center agent at residente ng Vicencio St., Barangay Niugan, Malabon City.
Nasugatan naman ang kanilang mga angkas na sina Angelica Yap, 13, ng Ramos St., Obando, Bulacan at Hannah Gualao, 16, ng Palasan,Valenzuela City.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi angkas ni Velerosa sa kanyang motorsiklo ang dalawang dalagita at patungong Maysilo, Malabon City.
Pagsapit sa kahabaan ng M. H Del Pilar St., Barangay Santolan, Malabon City ay aksidenteng nagkasalpukan ang mga motorsiklo nina Velerosa at Dizon kaya’t kapwa tumilapon ang mga ito.
Namatay agad si Velerosa habang namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital si Dizon.
- Latest