Bangkay ng 3 Pinoy sa Bering sea mishap, narekober na
MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng mangingisdang Pinoy ang narekober kasunod ng paglubog ng South Korean ship sa Bering Sea noong Disyembre 1.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, nakarekober muli ng mga katawan ang search and rescue team kaya umakyat sa tatlo ang Pinoy na nasasawi sa paglubog ng Oriong-501 trawler habang pinaghahanap pa ng pitong Pinoy na nawawala.
Unang kinilala ang dalawang narekober na bangkay ng Pinoy na sina Jessie Londres, 25 at Arnel Navales matapos kilalanin ng kanilang ahensiya na Falcon Shipping habang patuloy pang hinahanap ang 10 pang Pinoy crew na lulan ng Oriong-501.
Tumanggi si Jose na ihayag ang pangalan ng panghuling narekober na Pinoy habang ipinaalam pa umano sa kanilang kaanak ang sinapit nito.- Ellen Fernando-
- Latest