^

Police Metro

Ulo ng car racer tinadtad ng bala

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang isang kilalang car racer ng isang hindi pa nakikilang gunman kamakalawa sa Antipolo City.

Ang biktima ay kinilalang si Bong Hilario, 26, may asawa, ng  Antique St., Phase 2, Bankers Village sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:15 ng tanghali noong Miyerkules ay nakaupo ang biktima at nakikipagkuwentuhan sa kanyang isang customer sa loob ng kanyang H3 Autoworks na nasa loob din ng kanyang bahay nang dumating ang isang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Nagkunwari ang suspek na naka-helmet na magpapagawa ng motor at nang nakalapit sa biktima ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ng maraming beses ang huli.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Narekober ng mga otoridad ang pitong basyo ng bala na sinasabing tumama lahat sa ulo at katawan ng biktima.

Ang biktima ay nagkampiyon sa 2013 Trans Sports Competition na itinuturing na Honda master at ang kanyang huling ginawa ay sumali sa 2004 Honda S2000 na isa sa pinakamahusay na sports roadsters sa buong mundo. 

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTIQUE ST.

AUTOWORKS

BANKERS VILLAGE

BATAY

BIKTIMA

BONG HILARIO

MIYERKULES

NAGKUNWARI

TRANS SPORTS COMPETITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with