MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng papasok na bagyong “Hagupit” na papangalanan sa bansa bilang bagyong “Ruby”, inilagay na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng kanilang unit sa “heightened alert”.
Sinabi ng PCG na tututukan nila ang mga lugar na posibleng dadaanan ng nasabing bagyo partikular ang mga lalawigan sa Bicol Region, Eastern Vizayas at South Eastern Mindanao.
Tiniyak ni Balilo na handa na rin ang mga deployable o emergency response teams na reresponde sakaling kakailanganin.
Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga ahensiyang may kinalaman sa pagbibigay ng weather updates at sa mga lokal na pamahalaang inaasahang masasapul ng bagyo.