^

Police Metro

Itinanim na landmine ng NPA nasilat

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasilat ng tropa ng 2nd Infantry Batallion ang tangkang pagtatanim ng landmine ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Brgy. Balolo, Guinobatan, Albay kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-6:40 ng umaga ay nagpapatrulya ang tropa sa lugar nang maispatan ang may limang armadong rebelde.

Nagkaroon ng limang minutong palitan ng pu­tok hanggang sa umatras ang mga rebelde at naiwan ang isang improvised landmine.

Walang naiulat na nasaktan sa puwersa ng pamahalaan at tinutugis ang mga nagsisitakas na mga rebelde.

Ayon kay Lt. Col. Perfecto Panaredondo, commander ng 2nd Infantry Batallion, nagpapakita lamang ng kawalan ng NPA ng respeto sa Geneva Convention at sa Comprehensive Agreement for Respect to Human Rights at International Humanitarian Law dahil ang paggamit ng landmine ay pinagbabawal sa labanan sa lupa dahil sa itinuturing itong nakakasira sa kalikasan.

ALBAY

AYON

COMPREHENSIVE AGREEMENT

GENEVA CONVENTION

HUMAN RIGHTS

INFANTRY BATALLION

INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW

NEW PEOPLES ARMY

PERFECTO PANAREDONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with