MANILA, Philippines – Umabot ng halos 7 oras ang negosasyon bago natapos ang pangho-hostage ng isang ama na umano ay posibleng lango sa illegal na droga sa dalawa nitong anak na binatilyo kahapon sa Zamboanga City.
Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang ihostage ng suspek na si Nur Sakiram, ang 2 anak nitong sina Faizal at Fahad, 16 at 15 sa kanilang bahay sa Manggal Drive, Brgy. Baliwasan ng lungsod na unang tinaga ang tiyahin nitong si Sarah Said na nasugatan sa kanang braso at balikat.
Tumagal ng halos pitong oras bago tuluyang na-neutralize ang suspek na ginamitan ng tear gas.