^

Police Metro

Sa pambubugaw at panggagahasa sa dalagita... PSG at tserman kulong ng 2 ‘life’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang habambuhay na pagkakulong ang ipinataw na parusa ng Manila Regional Trial Court sa isang  miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at barangay chairman dahil sa panggagahasa at pambubugaw sa isang  dalagita noong 2011.

Sa desisyon  ni Presiding Judge Emily Gaspar Gito ng Manila RTC Branch 5, ibinaba ang hatol laban  kina Sgt. Walter Candelaria ng PSG dahil sa kasong Violation of RA 9208 o qualified trafficking in person at RA 7610 o Child Abuse habang  kasong  child trafficking naman kay Bgy. San Miguel chairman Angel Murillo. 
Una nang inakusahan ng rape ng isang 16-anyos na dalagita si Candelaria sa loob mismo ng PSG barracks.

Batay sa record na dakong alas-11:30 ng gabi noong  Hunyo  21, 2011 nang lapitan ang biktima ni Murillo at ibinugaw sa tatlong PSG na kinabibilangan ni Candelaria.

Pilit na isinakay ang biktima sa kotse at dinala sa barracks ng mga PSG kung saan naganap ang panghahalay kahit na nagmamakaawa ito.

Hindi na nagbigay ng pahayag sina Candelaria at Murillo sa naging hatol sa kanila.

ANGEL MURILLO

BATAY

CANDELARIA

CHILD ABUSE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MURILLO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

PRESIDING JUDGE EMILY GASPAR GITO

SAN MIGUEL

WALTER CANDELARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with