Foreman binistay

MANILA, Philippines - Isang 60-anyos na foreman ang pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek at iniwan ang bangkay nito sa tabi ng kalsada kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ang  biktimang  Nicandro Cipriano,  construction foreman, residente ng Block 2, Lot 26, Tagak St., Sitio Bukid, Barangay 171 Bagumbong  ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t-ibang bahagi  ng katawan, habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspek.

Batay sa imbestigasyon  ng pulisya, alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tabi ng Karina Homes Barangay 171 ng naturang lungsod.

Nabatid na papasok umano ang biktima sa trabaho nang pagbabarilin ito  ng suspek at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.

 

Show comments