^

Police Metro

Nabigong makapagbigay ng ransom… dalagita kinidnap, sinunog

Jonie Capalaran - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mariveles, Bataan-Naglahong parang bula ang magandang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita nang dukutin at sunugin ng hindi pa nakilalang suspect noong Martes ng umaga sa Barangay Poblacion ng bayang ito.

 Kinilala ni Bataan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Raynold Rosero ang biktima na si Denielle Ferreria y Evangelista, 14, dalagita, grade 9 (High School student) sa Llamas Memorial High School na matatagpuan sa Barangay Poblacion.

 Sa report ng pulisya, sinabi ng mga magulang ng biktima na maaga itong pumasok sa esk—welahan noong November 18 pero hindi na ito nakauwi para kumain ng pananghalian at pagsapit ng alas 5:49 ng hapon ay nakatanggap na ng isang text message ang ina ng biktima mula sa mga kidnaper at ang ginamit  pa ang cell phone ng biktima at nanghihingi umano ng kalahating milyong piso (P500,000) para sa kalayaan nito.

 Sa isang follow-up operation na ginawa ng pinagsanib na puwersa ng Anti-kidnapping Task Force mula sa Camp Crame, Bataan Provincial Intelligence Branch at Bataan Provincial Police Security Force dakong alas 6:15 ng umaga noong November 20 ay natagpuan ang bangkay ng biktima na naka silid sa sako na halos hindi na makilala sanhi ng pagkakasunog ng buong katawan sa isang lugar sa may kahabaan ng National Highway Sit­yo Milagros Barangay Balon Anito Mariveles.

 Nabatid na ang ama ng biktima ay isang Overseas Filipino Worker. Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy at madakip ang suspek dito.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BATAAN PROVINCIAL INTELLIGENCE BRANCH

BATAAN PROVINCIAL POLICE SECURITY FORCE

CAMP CRAME

DENIELLE FERRERIA

HIGH SCHOOL

LLAMAS MEMORIAL HIGH SCHOOL

MILAGROS BARANGAY BALON ANITO MARIVELES

NATIONAL HIGHWAY SIT

OVERSEAS FILIPINO WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with