^

Police Metro

Cotabato blast: 1 utas, 17 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bomba ang sumabog sa harap ng isang eskwelahan na ikinasawi ng isang estudyante at pagkasugat ng 17 iba pa na naganap kamakalawa sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Binawian habang sakay ng ambulansiya na bumibiyahe patungo sana sa ospital ang biktimang si Monique Mantawil, 19-anyos

Isinugod naman sa Kabacan Specialist Hospital at Kidapawan Hospital ang mga nasugatang biktima para malapatan ng lunas dahil sa mga tinamong shrapnel sa kanilang mga katawan.

Ilan sa mga nasugatan ay kinilalang sina Queen Mary Ali­muhanid, Ritchie Baguio, Ibrahim Bantulan, Hartzel Bragat, Giezel Mae Butil, Usman Dimacaling, Arvie Estrella, Vestoni Gevero, Tonton Kusain, Merwin Lagat, Mohamid Masukat, Anwar Danungen Montokayan, Rowena Nufies, Albert Pagatpat, Flo Rohana, Girlie Royless at Samra Sembaga.

Sa ulat na nakara­ting kay Col. Dickson Hermoso, Spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), bandang alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa overpass  sa harapan ng Pilot Elementary School sa Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Habang isa pang hindi pa sumasambulat na bomba ang narekober ng Explosives and Ordnance Team ng militar at pulisya na nagresponde sa lugar sa gate ng eskuwelahan.

Pinaniniwalaan naman na kagagawan ng BIFF, ang mga spoilers o grupong tumututol sa peace talks ang pagpapasabog habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

 

ALBERT PAGATPAT

ANWAR DANUNGEN MONTOKAYAN

ARVIE ESTRELLA

DICKSON HERMOSO

EXPLOSIVES AND ORDNANCE TEAM

FLO ROHANA

GIEZEL MAE BUTIL

GIRLIE ROYLESS

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with