MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang isang 42-anyos na lalaki matapos na ito ay masalpok ng dumaraang trak nang tumalon mula sa footbridge sa Pasay City kamakalawa.
Ang nasawi ay kinilalang si Aguinaldo Bernardo Obrino, ng #72 2nd St., NAIA Road, Pildera II ng naturang lungsod.
Inaresto naman ang driver ng trak na si Roby Baldo Calinawan, 42, ng Barangay Zapote 3, Las Piñas City na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.
Sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang tumalon umano ang biktima sa footbridge ng MMDA at masuwerteng nakaligtas sa kamatayan.
Subalit, hindi nito nakita ang paparating na Isuzu truck (RFB-275) na minamaneho ng suspek kaya’t nasalpok ito.