^

Police Metro

2 parak patay sa pagsilbi ng warrant

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang parak ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng mga kasamahan ng isang lider ng grupong kriminal habang isinisilbi ang warrant of arrest kamakalawa ng gabi sa bayan ng Moalboal, Cebu.

Ang dalawang napatay na pulis ay kinilalang sina PO3 Fabi Fernandez, 53 at PO1 Alrazid Gimlani; pawang mga miyembro ng Moalboal Police Station (MPS).

Sa ulat ng tanggapan ni Cebu Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt Noel Gillamac, dakong alas-8:00 ng gabi ay nagpunta ang mga operatiba ng pulis­ya sa Brgy. Tumuloy sa bayang ito upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na si Michael Aquino.

Ang  warrant of arrest ay inisyu ni Judge Leo­poldo Cañete ng Barili Regional Trial Court kaugnay ng illegal na aktibidades na kinasasangkutan ni Aquino na hinihinalang nagtatago ng mga armas at droga sa lugar.

Nabigong maaresto ng pulisya si Aquino habang naaresto ang mga kasamahan nitong sina Rolly Tabanao, Allen Amad at Phil John Ibriza.

Habang  nagsasagawa ng inventory ang pulisya sa kanilang mga nakum­piskang ebidensya laban sa grupo ni Aquino ay bigla na lamang nakarinig ng putok ng baril  mula sa labas at dito ay nakita ang bangkay ng dalawang parak na nagsisilbing perimeter operatives sa isinagawang operasyon.

Sinamantala naman ito ng mga kasamahan ni Aquino sa pagtakas kabilang ang mga nasakote ng pulisya.

Isang hot pursuit ope­rations ang ikinasa ng mga otoridad laban sa mga suspek.

ALLEN AMAD

ALRAZID GIMLANI

AQUINO

BARILI REGIONAL TRIAL COURT

CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

FABI FERNANDEZ

JUDGE LEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with