MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagbigay si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ng puhunan para sa negosyo ng mga single mother sa proyektong “Tindahan ni Ate Joy”.
Bago magpasko ay ipagkakaloob sa may halos 200 single mom ang puhunan P10,000 worth of grocery at iba pang mga items para magamit ng mga itong panimula na kumita at makatulong ito sa kanilang arawang pamumuhay.
Ang proyektong ito ay napasimulan noong taong 2013 at muling binuhay upang maalalayan ang pinansiyal na pangangailangan ng mga single mother para kumita at may magamit na panggastos sa pamilya.
Bukod sa proyektong puhunan ay bibigyan din ng libreng medical at eye check up, pap smear, legal service at ibapa.