^

Police Metro

Manila police anti-drugs group dinisarmahan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Manila Police District (MPD) Acting Director C/Supt. Rolando Nana sa mga miyembro ng district anti-illegal drugs at dito ay nakuha sa kanilang mga locker ang mga iligal na droga, pera at drug paraphernalias kaya’t agad na dinisarmahan ang mga ito.

Ayon kay Nana ang inspeksiyon ay bilang paglilinis niya sa sariling bakuran laban sa iligal na droga.

Sa ulat, alas-8:00 ng umaga kahapon nang isagawa ang inspeksiyon sa lahat ng mga tauhan ng DAID, District Intelligence Division (DID)  at  District Special Operation Unit (DSOU) dahil sa may impormasyong nakarating kay Gen. Nana hinggil sa iligal na droga na itinabi diumano ng mga operatiba, tinungo nito ang DAID office at dinistrungka ang lahat ng locker at tumambad ang mga nakatagong shabu, pera at ilang paraphernalias.

Dinisarmahan ang 10 DAID members, ang isa ay walang isyu na baril ang dalawa ay hindi naka-duty at ang dalawa naman ay hindi umano dala ang baril nang oras na iyon.

Agad na iniutos ni Nana sa Pre-Charge Evaluation Unit  na imbestigahan ang mga operatiba ng DAID at isalang sa drug tests.

ACTING DIRECTOR C

AYON

DINISARMAHAN

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

MANILA POLICE DISTRICT

NAGSAGAWA

PRE-CHARGE EVALUATION UNIT

ROLANDO NANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with