Tsinoy couple utas, 2 anak sugatan sa pananambang

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang mag-asa­wang Tsinoy habang ang kanilang dalawang anak ay nasa kritikal na kalagayan matapos na sila ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan na pumara sa kanilang sasakyan kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal.

Ang mag-asawang  nasawi ay kinilalang sina Nelson, 56 at Ruby Go, 52. Habang ang dalawang anak nito na nasugatan ay kinilalang  sina Stephen, 13 at Robin, 21, na pawang nakatira sa Metro Hills Subdivision, Rodriguez, Rizal.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa pa­milya dakong alas-12:30 ng madaling araw sa pa­kurbadang daan sa Don Mariano Extension Road ay sakay ang mga ito ng kanilang kulay pulang Tamaraw FX (NFN-248) nang sila ay parahin at harangin ng apat na suspek.

Pagkahinto ng sasakyan ay agad na pinagbabaril ang mga biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga salarin, sakay ng dalawang motorsiklo.

Show comments