2 salvage victim itinapon sa sementeryo

MANILA, Philippines – Itinapon sa isang pampublikong sementeryo ang bangkay ng dalawang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage kamakalawa ng gabi sa Antipolo City, Rizal.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang makita ng isang Ron-Ron Pascual, ng Barangay San Jose, Boso-boso Cemetery, sa Antipolo City ang isang
itim na plastic bag at nang kanyang buksan ay tumambad ang dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakabalot ng masking tape ang katawan na kapwa tinatayang nasa edad na 24-30, ang isa ay may taas na 5’1” to 5’3”, habang ang isang ay 5’4” hanggang 5’7”, parehong maganda ang pangangatawan.

Show comments