^

Police Metro

Koko binalaan ang DOTC sa paglabag sa Migrant Workers Act

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil labag sa umiiral nang batas na nag-e-exempt sa overseas Filipino workers (OFWs) sa pagbabayad sa terminal fees na isinama sa airplane tickets kaya’t binalaan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at  Manila International Airport Authority (MIAA).

Magsasampa si Pimentel ng resolusyon sa Senado upang imbestigahan ang Memorandum Circular No. 08 na aalisin ang mga terminal fee counters sa paliparan.

Ipinatupad na dapat kahapon ang kautusang nagsasama sa P550 terminal fee sa airline ticket ngunit nag-utos ng temporary restraining order ang Pasay City Regional Trial Court dahil labag ito sa Migrant Workers Act na may exemption ang OFWs sa pagbabayad ng travel tax documentary stamp at airport terminal fee.

“Gusto nilang labagin ang umiiral na batas na nag-e-exempt sa OFWs sa pagbabayad ng terminal fees. Para saan? Ang pag-aalis ng terminal fees counters ay hindi solusyon sa mahabang pila sa airport dahil lilikha ka ng panibagong pila para sa mga bayani ng makabagong panahon upang ma-refund lamang ang P550 na ilegal na kinolekta sa kanila,” ani Pimentel.

Kinatigan ni Pimentel ang posisyon ni Department of Labor Secretary Rosalinda Baldoz na dapat otomatikong exempted ang lahat ng OFWs sa terminal fees kahit sa mga plane ticket na binili sa abroad o via online bilang pagtalima sa batas na 19 taon nang umiiral sa bansa.

Idinagdag pa ni Pimentel na hindi wastong nagbabanggaan ang DOLE (Department of Labor and Employment) at DOTC dahil lamang sa koleksiyon ng terminal fees ng airline companies.

DAHIL

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MEMORANDUM CIRCULAR NO

MIGRANT WORKERS ACT

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

SENADOR AQUILINO

TERMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with