Bawas 50 sentimos sa pasahe iginiit

MANILA, Philippines - Nagsampa ng petition para sa bawas 50 sentimos sa minimum fare si dating board member ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Negros Representative Manuel Iway.

Sa petisyon nito ay binigyang diin na dapat ng  bumaba ang pasahe sa jeep at gawin na lamang P8.00 ang minimum fare sa jeep dahil naman anya malaki ang naibaba sa presyo ng gasolina at diesel.

Ayon naman kay Engr. Ronaldo Corpuz, boardmember ng LTFRB na hindi agad maipatupad ang bawas-pasahe dahil dadaan pa ito sa public hearing bukod sa ilalathala ito  sa national circulation na diaryo.

 

Show comments