MANILA, Philippines – Limang katao ang naaresto nang salakayin ng mga otoridad ang isang bahay na pinaniniwalaang drug den kamakalawa sa Brgy. Bustrac, Nabua, Camarines Norte.
Kinilala ni Chief Inspector Ruben Dalit Padua Jr, acting chief of police, ang mga suspek na sina Rogelio Fetil, 40; Emmanuel Mirabueno 47; Cesar Solares, 43, kapwa nakatira sa Bato; Venerando Salcedo, 41 ng Paloyon; at Michael Noble ng Brgy. San Jose, Buhi.
Nakumpiska sa mga suspek ang 3 plastic sachet na naglalaman ng shabu; drug paraphernalias; isang kalibre .45 baril; 1 rifle airgun converted sa caliber 22; 2 steel magazine ng caliber .45; 2 pirasong bala ng 12 gauge shotgun; 13 bala ng caliber 45; 7 bala ng caliber 9mm; 2 bala ng caliber 22; 5 bala ng caliber 38; isang samurai, cell phone na gamit sa transaksyon; 2 black pouch bag na may lamang P19, 125.00.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang salakayin ang bahay ni Fetil sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Timoteo A. Panga Jr. ng RTC Branch 60 Iriga City, Camarines Sur dahil sa ito ay ginagawang drug den.