Cayetano: Binay aatras sa debate vs Trillanes
MANILA, Philippines – Ang patuloy na pag-isnab ni Vice President Jejomar Binay sa imbestigasyon ng Senado ang nakikita ni Senador Alan Peter Cayetano na aatras ito sa one-on-one debate kay Sen. Antonio Trillanes.
Ito ang sinabi ni Cayetano sa isang panayam sa radyo kung saan magiging moderator ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).
“Oo (aatras si Binay) pati naman sa hearing. Sinabi niya ‘pag inimbitahan siya nung main committee at mag-a-attend ‘yung ibang senador, e dadating siya. E inimbitahan na siya ni Senator [TG] Guingona, wala na naman,” sabi ni Cayetano.
Naniniwala rin si Cayetano na dapat ay kay dating Vice Mayor Ernesto Mercado makipagdebate si Binay lalo pa’t ito ang naging daan sa pagbubunyag ng mga sinasabing ari-arian ng bise presidente.
Naniniwala rin si Cayetano na bagaman at hindi abogado si Trillanes, may laban ito kay Binay dahil wala umano itong itinatago at nais lamang ilabas ang katotohanan at mas makakabuti kung magdesisyon si Binay na humarap sa hearing sa Senado upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.
- Latest