MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi habang tatlo ang malubhang nasugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang owner-type jeep sa bangin kamakalawa ng hapon sa Barangay Lungog Narvacan, Ilocos Norte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tranquilino Damiao Jr. driver ng sasakyan at ang mga pasahero nitong sina Bernanditas Tejero Duerme at Dally Rivera.?
Nasa malubha namang kalagayan sina Alfredo Madriaga, Fatima Tehero Duerme at Dennis Pascual.?
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ay pauwi na sa kanilang lalawigan ng Ilocos Norte ang mga biktima mula sa pakikipaglibing sa yumao nilang kakilala sa Abra.
Habang binabaybay ang nasabing highway ay hindi umano nakalkula ni Damiao ang pababang kurbada ng kalsadang zigzag at dumiretso sa malalim na bangin.